[VERSE]
dumidilim na ang langit
at dahan-dahang pumapait

[PRE-CHORUS]
bawat pagsilip ng buwan at mga tala
luha’y kailan ba titila?
sa paghawi ng hangin sa mga ulap
‘di alintanang pag-ibig ay magwawakas.

[CHORUS]
bawat gabi ika’y aking hinahanap
kailan kaya? ikaw ba’y magbabalik
sa tuwing gabi sana ika’y makapiling
tanging hiling na makasama ka bawat gabi.

[VERSE]
lumalamig na ang hangin
naiinip sa tadhanang pumihit

[PRE-CHORUS]
bawat paglipas ng buwan at mga taon
sa puso’t isip ay nakabaon
kailan magkakaroon ng pagkakataon?

lungkot ng takipsilim ay mawawala.

[CHORUS]
bawat gabi ika’y aking hinahanap
kailan kaya? ikaw ba’y magbabalik
sa tuwing gabi sana ika’y makapiling
tanging hiling na makasama ka bawat gabi.

[BRIDGE]
nakaukit sa puso ang pait
na ‘di makalimutan ang sakit
mga paghihirap na naranasan
kaligayahan ba’y kailan makakamtan?

[CHORUS]
bawat gabi ika’y aking hinahanap
kailan kaya? ikaw ba’y magbabalik
sa tuwing gabi sana ika’y makapiling
tanging hiling na makasama ka bawat gabi.

Leave a Reply